KABANATA VIII
MALIGAYANG PASKO
BUOD
Umuwi na si Basilio sa kanyang tahanan sa San Diego, kung kailan mayroong pista at sila'y naabala sa daan dahil nalimutan ng kutsero ang kanyang sedula at kinailangang bugbugin pa ito ng guwardiya sibil. Mayroong inilalakad na prusisyon ng mga inahin ng dalawang Kastila, tatlong haring mago, birhen at mga batang may parol. Nabugbog na naman ang kutsero dahil wala itong ilaw. Nabatid ni Basilio ang usapan sa loob ng bahay ni Kapitan Basilio kasama ang mga alperes at ni Simuo. Tila sila lamang ang may masayang kalagayan sa bayan at sila'y nagdaraos ng kalakalan sa mga alahas ni Simuon. Pagkadating sa bahay ni Kapitan Tiyago ay ginagalang si Basilio habang siya'y binibigyan ng mga ulat ng katiwala sa mga nakaraang pangyayari ng ito'y nasa ibang lugar. At nabalitaan niya ang nangyari kay Kabesang Tales.
MGA TAUHAN
A. Juli - Ang pinakamagandang dalaga sa Tiani na anak ni Kabesang Tales. Larawan siya ng Pilipinang madasalin, matiisin, masunurin, at madiskarte sa buhay para makatulong sa pamilya. Tunay siyang mapagmahal sa pamilya at tapat sa katipang si Basilio.
B. Tandang Selo - Ang kumalinga sa batang si Basilio sa gubat ng tumakas siya mula sa mga guwardiya sibil sa Noli Me Tangere. Siya ang maunawaing tatay ni Kabesang Tales. Tiniis niya ang matinding kasawian at pighati ng mga mahal niya sa buhay.
C. Hermana Penchang - Isang masimbahing manang. Naging amo ni Juli. Mapanghusga sa mga taong sawimpalad-pinarusahan daw ng Diyos ang may mga suliranin dahil makasalanan. TAkot siya sa mga Prayle kaya ayaw tumulong sa inaakala niyang kalaban ng mga ito.
D. Basilio - ang binata na nag-aaral ng medisina, ang kinupkop ni Kapitan Tiyago at ang binata na magsikap na mag aral kahit kinukutya dahil sa katayuan niya sa buhay. Siya rin ang kasintahan ni Juli.
TAGPUAN AT PANAHON
Nangyari ito sa bayan ng Tiane sa Ssn Diego at sa bahay ni Kapitan Tiyago. Nangyari ito sa gabi ng kapaskuhan.
SULIRANIN
Nagpabalik- balik ang pagbubogbog ng mga guwardiya sibil sa kutsero ng dahil lamang sa pag labag ng batas kagaya lamang ng pagkalimut sa kanyang sedula, at ng dahil din sa sasakyan niyang walang ilaw.
ISYUNG PANLIPUNAN
Nakokonekta ito sa isyu ng ating bayan kung saan bubugbogin ang mga taong hindi sumusunod sa tradisyon o batas sa halip na bigyan sila ng patas at maayos na parusa. Hindi naman talaga kailangan bugbugin ang isang tao para matuto, ang kailangan ng mga taong hindi nakasunod sa batas o tradisyon ay ang paghihinahong pagsasabi upang malaman nila kung ano ang dapat gawin sa susunod na mga pangyayari. Dapat ba talaga pisikal o emotional na masaktan ang isang tao para lang talaga matuto? Kung ako ang tatanungin, hindi talaga. Hindi dahil ang isang tao ay may mga karapatan din sa kung ano ang kanilang dapat at gustong gawin at kung magkakamali man sila hindi naman talga siguro dapat masaktan sila hindi ba? Ang dapat lang sa kanila ay ang pagbibigay babala upang maituwid nila ang kanilang mga nagawang mali.
ARAL
Ang aral na aking napulot sa Kabanatang ito ay ang pagiging maintindihin at masunurin. Maintindihin sa lahat ng bagay at pangyayari lalong lalo na sa mga pangyayaring nagsasangkot ng pagkatao at damdamin ng ibang tao. At ang pagiging masunurin sa lahat ng pamantayan na nakalaan upang magiging mas mabuti ang lagay ng ating bansa o ng ating komunidad. Para sa akin importante talaga ang pagiging masunurin at maintindihin dahil dito mo matutunan kung paano rumespeto ng ibang tao at ang kanilang mga desisyon sa buhay at dito mo rin matutunan ang pagiging mapagtiis.
No comments:
Post a Comment